Huling insidente ng pambobomba ng water cannon ng CCG sa WPS, tinalakay nina Defense Sec. Teodoro at US Defense Sec. Austin

Nagkausap sa telepono sina Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro at United States Secretary of Defense Lloyd Austin.

Dito ay tahasang kinondena ni Austin ang huling insidente ng pambobomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Kapwa nagpahayag ang dalawang kalihim ng kanilang commitment na itaguyod ang rule based order sa WPS, kabilang ang pag-suporta sa karapatan ng Pilipinas na magsagawa ng lawful maritime activities alinsunod na rin sa 2016 arbitral ruling.


Kasunod nito, muli namang tiniyak ni Austin ang ironclad o matatag na commitment ng Estados Unidos na ipagtanggol ang Pilipinas sa ilalim ng Mutual Defense Treaty sa pagkakataon na may pag-atake sa Philippine public vessels, aircraft at armed forces kabilang ang Coast Guard sa Pacific at WPS.

Facebook Comments