Huling mensahe ni dating DENR Sec. Gina Lopez sa rehabilitation effort sa Pasig River: “It can be done”

Kumpiyansa si dating DENR Secretary Gina Lopez na kayang maibalik sa dati ang Pasig River.

Bago pumanaw si Lopez ay sinabi nitong magagawang ma-rehabilitate ang Ilog Pasig.

Ayon kay Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Pepeton” E. Goitia, ito ang huling mensahe ni Lopez hinggil sa nagpapatuloy na rehabilitation effort sa naturang ilog.


Naniniwala si Lopez na ang impact ng Pasig River ay hindi lang para sa mga lugar na nakapalibot dito kundi sa buong bansa. Si Lopez ang kauna-unahan at natatanging Seacology Prize recipient mula sa Pilipinas.

Inihalimbawa pa noon ni Lopez ang paglilinis sa waterways sa France, Germany at Singapore na labis pinakinabangan ng naturang mga bansa pagdating sa ekonomiya.

Nagpahayag din noon ng kasiyahan si Lopez dahil sa pursigido ang pamahalaan sa clean-up sa Manila Bay. Sinabi ni Lopez na sa ilalim ng administrasyong Duterte ay tiwala siyang mangyayari ang rehabilitasyon sa Pasig River.

Ayon kay Goitia ang naturang huling mensahe ni Lopez hinggil sa Ilog Pasig ay binuo lamang niya gamit ang kaniyang cellphone.

“Ma’am Gina composed and sent this message directly from her phone so we knew that the words used were what exactly came to her mind that very moment. What a heartfelt message she personally put together!,” ani Goitia.

Dahil dito, sinabi ni Goitia na gaya ni Lopez, laging ikukunsidera ng PRRC ang mga mahihirap sa nagpapatuloy na Pasig River rehabilitation effort.

Facebook Comments