Pinaghahandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang huling araw ng deadline ng filing ng Certificate of Candidacy (COC).
Ayon kay PNP Chief Guillermo Eleazar, kalimitan kasi na mas marami ang naghahain ng kandidatura at humahabol sa mga huling minuto bago magsara ang mga tanggapan ng COMELEC.
Sa kanyang pahayag sa ocular inspection sa loob ng Sofitel Manila Tent, sinabi ni Eleazar na wala naman silang namo-monitor na anomang banta sa seguridad sa halalan.
Sa kabila nito, inihayag ni Eleazar na naglabas na sila ng direktiba sa lahat ng kanilang unit commanders’ para pag-aralan ang Private Armed Groups o PAGs na ginagamit ng mga pulitiko sa panahon ng halalan
Idinagdag ni Eleazar na kuntento naman siya sa pinaiiral na seguridad sa loob at labas ng filing venue.