HULING MISA DE GALLO SA CALASIAO, DINAGSA NG MGA DEBOTO

Dinagsa ng maraming deboto at pamilya ang Sts. Peter and Paul Parish sa Calasiao kaninang hatinggabi para sa Midnight Mass o Misa de Gallo, bilang opisyal na pagsalubong sa Araw ng Pasko at pagtatapos naman ng Simbang Gabi o ang siyam na gabi ng novena bilang paghahanda sa kapanganakan ni Hesukristo.

Ramdam sa simbahan ang kasiyahan at kagalakan habang sabay-sabay na umaawit ang mga mananampalataya at taimtim na nakikinig sa Homily.

Sa pagtatapos ng huling misa para sa pasko, nagpasalamat ang pamunuan ng Simbahan sa matagumpay na pagdiriwang. Masiglang palitan din ng pagbati na “Merry Christmas!” ang sambit ng mga dumalo bago magsiuwian at magsalo-salo kasama ang kani-kanilang pamilya.

Muli namang magsasagawa ng misa ang simbahan bilang pag-aalay ng dasal sa bungad ng bagong taon sa December 31.

Nanatiling isa sa pinakamahalagang tradisyon ng simbahan ang Simbang Gabi, na nagbubuklod sa mga deboto sangalan ng pananampalataya, kultura, at pagkakaisa bilang pinakadiwa ng pasko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments