Manila, Philippines – Dumating na sa Santuario de San Antonio Parish, Forbes Park Makati City ang pamilya Castillo para sa huling sandali ng lamay ni Horacio “Atio” Castillo III.
Alas-dos mamayang hapon ililipat ang mga labi ni Atio sa Santuario de San Antonio Parish para sa huling misa bago ito ihatid sa huling hantungan sa Manila Memorial Park.
Sa mausoleum ng pamilya sa Manila Memorial Park sa Parañaque katabi ng kanyang lolo ililibing ang nakababatang Castillo.
Punong puno ng puting bulaklak ang Capilla Del Señor kung saan nakalagak ang mga labi ni Atio.
Marami ding makikitang placards kung saan nakasulat ang mga katagang Justice for Horacio.
Sa Eulogy kagabi ng mga kaibigan ni Atio sinariwa nila ang maliligayang araw na kasama nila si Atio.
Umaasa din sila na makakamit ng Pamilya Castillo ang hustisya at mapapanagot sa lalong madaling panahon ang mga nasa likod ng brutal na pagptay sa Atio.