HULING PAALAM | Dating Dagupan City Mayor Al Fernandez Jr, bibigyang pugay ngayong araw!

Dagupan City – Ang City Government ng Dagupan ay bibigyang pugay ang namayapang dating alkade ng lungsod na si Alipio Fernandez Jr o mas kilala ng marami na Mayor Al ngayong araw sa City Plaza.

Ayon sa facebook post ni Atty. Alvin Fernandez, anak ng yumaong alkade dakong alas-tres ng hapon ililipat ang mga labi ni Mayor Al patungong City Plaza kung saan babaybayin nito ang kahabaan ng Mayombo, M.H. del Pilar, AB Fernandez Avenue, na magtatapos sa City Museum kungaan gaganapin ang isang necrological service na pangungunahan ng lungsod na minsan nyang pinagsilbihan.

Kasunod nito ang paglalagay ng mga labi ng dating alkade sa entablado ng city plaza para sa public viewing.


Kinabukasan araw ng Sabado, August 18, 2018 gaganpin ang isang misa para yumaong alkalde dakong 8:00 am sa Saint John Cathedral. Susundan ito ng procession patungong Eternal Gardens kung saan ilalagak ang mga labi ni nito sa kanyang huling hantungan.

Si Mayor Alipio Al Fernandez Jr ay nagmula sa angkan ng mga politiko sa lungsod at siya ay nanilbihan ng dalawang termino simula 1992. Nakilala siya sa pagiging malapit sa mga pangkaraniwang tao ng lungsod.

Yumao siya noong August 9, 2018 matapos ang pakikipaglaban sa sakit na cancer.

Facebook Comments