Hindi dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa huling Philippine Military Academy Alumni (PMA) homecoming sa ilalim ng kanyang termino.
Sa halip, si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang tumayong kinatawan ng Pangulo sa nasabing event. Si Lorenzana ay nagtapos mula sa premier military academy bilang bahagi ng Maagap Class of 1973.
Sa pamamagitan ng isang taped video ay pinaabot ni Duterte ang kanyang pagbati sa mga alumni ng PMA kaugnay sa kanilang homecoming.
Sa nasabing event, apat na cavaliers ang pinarangalan at pinagkalooban ng Lifetime Achievement Awardsn ng PMA Alumni Association, Inc. ng Lifetime Achievement Awards, ito’y sina Anselmo Avelino Jr. Class ’67; Melchor Rosales, Class ’68; Edgar Aglipay, Class ’71, at Senator Panfilo Lacson , Class ’71.
Ang mga sumusunod na PMA alumni ay pinagkalooban ng cavalier awards ng PMAAI sa pangunguna ni chairman at CEO Cavalier Amado T. Espino, isa ring class president ng PMA Class of 1972:
• Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Class ’82 para sa Outstanding Accomplishment in Public Administration
• Cavalier Crispiniano Acosta, Class ’82 para sa Outstanding Accomplishments In Private Enterprise
• Cavalier Erwin Rommel Luga, Class ’82 para sa Outstanding Accomplishments In Special Field Of (Religion-Other Endeavor)
• Cavalier Edgardo De Leon, Class ’88 para Outstanding Performance In Staff Functions
• Cavalier Michael Ray Aquino, Class ’88 para sa Outstanding Contributions To Alumni Affairs
• Cavalier William Gonzales,Class ’89 para sa Outstanding Performance In Command Administration
• Cavalier Leo Francisco, Class ’92 para sa Outstanding Performance In Police Operations
• Cavalier Roy Echeverria, Class ’93 para sa Outstanding Performance In Coast Guard Operations
• Cavalier Melvin Banua, Class ’97 para sa Outstanding Performance In Air Operations (Senior Officer)
• Cavalier Herbert Dilag, Class ’98 para sa Outstanding Performance In Special Operations
• Cavalier Ashley Nastor, Class 2000 para sa Outstanding Performance In Naval Operations (Senior Operation)
• Cavalier Gladiuz Calilan, Class ’01 para sa Outstanding Performance In Army Operations.
• Cavalier Mark Paul Mendoza, Class ’06 para sa Outstanding Performance In Air Operations (Junior Officer)
• Cavalier Junrey Sajulga, Class ’13 para sa Outstanding Performance In Naval Operations (Junior Officer)
Sa isang tweet, pinasalamatan naman ni Lacson ang PMA para sa pagkilala sa ilang taon niya sa public service.