HULING PUGAY | Senado, nagsagawa ng necrological service para kay dating Senate President Edgardo Angara

Manila, Philippines – Natapos na ang necrological services ng Senado para kay dating Senate President Edgardo Angara na pumanaw nitong linggo dahil sa heart attack sa edad na 83.

Iniabot din ng senado sa pamumuno ni Senate President Koko Pimentel sa pamilya Angara ang Senate Resolution number 732 na nagpapahayag ng pakikidalamhati.

Nakasaad din sa resolusyon ang mga achievements at magagandang ginawa, kasama na ang mga panukalang iniakda ni angara at mga naging posisyon nito.


Kabilang sa mga nag bigay ng eulogy ay si dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Erap Estrada na nagsabi na isang malaki karangalan na nakilala niya si dating Senador Edong dahil ito ay magaling, maaasahan, tapat at matalino.

Sinabi naman ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representive Gloria Arroyo, kapuri puri ang mga achievements at iniakdang batas ni Angara, marami aniya itong nagawa sa sa sektor ng edukasyon, ekonomiya at para sa senior citizens.

Si Senator Loren Legarda naman ay walang maapuhap na tamang salita para ilarawan kagalingan ni Angara at hindi mapag-dududahan ang senseridad at adbokasiya nito.

Hanga naman ni Senator Juan Miguel Zubiri sa hindi pakikisawsaw ni Angara sa mga bangayan, kontrobersiya, at sa halip ay itinuon nito ang atensyon pagpasa ng mga dekalidad na panukalang batas.

Sabi ni Senate Majority Leader Tito Sotto III, ang acronym ng pangalan nito na SEJA ay akma sa naiwan nitong legacy sa Senado, Edukasyon, Justice at Arts.

Diin naman ni Senator Joel Villaneuva, dahil kay Angara ay totoong tunay na Angara ng buhay ng mga Pilipino.

Ikinwento naman ni Senator Richard gordon na kahit nagkakaroon sila noon ni Angara ng debate at pag tatalo ay magkaibigan pa rin sila at hindi nag-iwanan.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, dahil kay Angara ay nagkaroon ng medical insurance ang mga Pilipino at mga discounted services.

Sobrang lungkot naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon dahil nawala din sya ng isang matalik na kaibigan at sya pa ang isa sa mga huling nakasama ni Angara sa rest house nito sa Tagaytay bago ito bawian ng buhay.

Facebook Comments