Isinagawa nitong Lunes, Decemver 4, 2017 ang 4th Regional Peace and Order Council (RPOC) meeting sa Bajau Hall sa loob ng ARMM Governor’s Office dito sa Cotabato City.
Ang pagpupulong ay pinangasiwaan ni ARMM Gov. Mujiv Hataman bilang chairman at dinaluhan naman ito ng mga miyembro mula sa government security forces.
Kabilang sa mga miyembro ng RPOC na dumalo sa meeting sina LTGen. Carlito G Galvez Jr, commanding general ng Western Mindanao Command, MGen. Arnel Dela Vega ng 6th Infantry Division at Col. Gene Ponio ng 1st Infantry Division.
Nagbigay naman ng update sa crime statistics, rido/family feud, mga kaso ng kidnapping, illegal gambling, insurgency, at iba pa ang Police Regional Office-ARMM.
Sa panig ng AFP, nagbigay din sila ng updates hinggil sa banta ng violent extremism partikular yaong mula sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Maute Group, Abu Sayyaf Group AT IBA Pang armadong grupo na banta sa seguridad ng ARMM.
Samantala, ang Philippine Drug Enforcement Agency-ARMM ay nagbigay din ng updates sa patuloy na pagsasagawa nila ng drug clearing operations(photo credit:bpiarmm)
Huling RPOC meeting sa taong 2017, isinagawa sa ARMM!
Facebook Comments