Magiging limitado ulit ngayong taon ang panghuling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa July 26 nakatakda ang ika-anim na SONA ng Pangulo na siyang hudyat din ng pagbubukas ng third regular session ng 18th Congress.
Ayon kay Speaker Lord Allan Velasco, tulad noong nakaraang taon na nagsimula ang COVID-19 pandemic ay kakaunti ulit ang papayagan na makasaksi ng personal sa SONA ng Pangulo sa Batasan Complex.
Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng Kamara ang huling SONA ng Presidente.
Sinabi naman ni Velasco na sakaling mabakunahan na ang marami bago ang SONA ay posibleng magkaroon ng adjustment o dagdagan ang mga guests, VIPs at mga opisyal na makakadalo sa SONA.
Magkagayunman, ang lahat ng plano sa SONA ng Pangulo ay dadaan muna sa approval ng Malakanyang.
Sa huling SONA ni Pangulong Duterte ay inaasahang ilalatag nito ang mga agenda para sa natitirang mga buwan sa kanyang termino.