Huling SONA ng pangulo, magsilbing inspirasyon sa mga Pilipino

Iginiit ni Deputy Speaker Bernadette Herrera na magsilbing inspirasyon sa mga Pilipino ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Herrera, hindi nakakadismaya ang huling SONA ng pangulo dahil inilahad nito ang kanyang “inspiring” na talumpati na sapat na para kumilos ang lahat tungo sa “better normal” at “better quality” na pamumuhay sa kabila ng mga hamong dala ng COVID-19 pandemic.

Malinaw aniyang inilatag ng presidente sa kanyang huling SONA ang mga hakbang para makabangon ang bansa mula sa health crisis.


Para naman kay Assistant Majority Leader Julienne Baronda, napakahirap ng panahon na ito para sa pangulo dahil sa pandemya ngunit nagawa pa rin ni Duterte na mapagtibay ang mga kinakailangang reporma, mga infrastructure projects at iba pang proyekto na maglalapit sa mga Pilipino tulad ng free college education at universal health care.

Tiniyak ng mga kongresista na laging nakasuporta ang Kamara sa mga isusulong ni Pangulong Duterte sa kanyang mga nalalabing termino.

Facebook Comments