Huling SONA ni Pangulong Duterte, tatatak sa puso ng bawat Pilipino – Andanar

102

Tiniyak ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mag-iiwan ng impact sa puso at isipan ng bawat Pilipino.

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, sasalamin sa SONA ang leadership brand ni Pangulong Duterte.


“We at the PCOO have been working non-stop in our preparations to make this SONA modest, yet memorable and significant to the Filipino people – something that reflects President Duterte as a leader,” sabi ni Andanar.

“With our last year in the Duterte administration, we will ensure that this year’s SONA will be etched in the hearts and minds of the Filipino people that we’ve worked hard to serve,” ani Andanar.

Nasa 400 guest ang inaasahang dadalo sa SONA at nire-require sila ng negatibong COVID-19 test results bago payagang pumasok sa bulwagan ng Batasang Pambansa.

Facebook Comments