HULING TANG LEMON ICED TEA SUGOD BARANGAY KATUWANG ANG IFM DAGUPAN, DINAGSA NG MGA DAGUPENO

Isang matagumpay at masayang pagtatapos ang ibinigay ng Tang Lemon Iced Tea: Sugod Barangay katuwang ang iFM Dagupan, sa huling yugto ng kanilang promo campaign na ginanap nitong Sabado, Hulyo 12, sa tatlong barangay sa lungsod.

 

Sa kabila ng mainit na panahon, naging refreshing at puno ng kasiyahan ang huling bugso ng kampanya, na naghatid ng sunod-sunod na papremyo, masayang palaro, at libreng Tang Lemon Iced Tea para sa mga residente ng Brgy. Carael, Brgy. Calmay, at Brgy. Lucao.

 

Hindi matatawaran ang sigla at suporta ng mga residente na buong pusong sinalubong ang team ng Tang. Sa bawat palakpak, halakhak, at higop ng malamig na inumin, ramdam ang diwa ng bayanihan at ang pagkakabuklod ng komunidad.

 

Ang kampanyang ito ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya ng Tang Lemon Iced Tea na makapaghatid ng saya at pampalamig sa bawat Pilipino.

 

Bago ang final run, naglibot na rin ang Sugod Barangay sa mga barangay ng Bonuan Gueset, Pantal, Malued, Bonuan Binloc, Caranglaan, Bacayao Sur, Bonuan Boquig, Bolosan,at Tapuac.

 

Maituturing na isang tagumpay ang buong promo na hindi lamang nagbigay ng libreng inumin, kundi naglatag rin ng pagkakataon para sa masayang pagtitipon ng mga residente sa Dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments