Manila, Philippines – Nag-uwi ng tatlong parangal ang campaign video ng Department of Tourism (DOT) na pinamagatang ‘Anak’ sa katatapos na YouTube Ads Awards Philippines.
Itinanghal ang DOT campaign video bilang ‘Best in Overall Performance, Creative and Media’.
Pasok sa ikatlong pwesto para sa Travel, Transportation, Automotive at Leisure category.
Pinarangalan din ito bilang 3rd Place Citation for Corporate Image and Public Sector category.
Tampok sa video ang magiliw na pakikitungo at mabuting pagtanggap o ‘hospitality’ ng mga Pilipino.
Sa ngayon, umaabot na sa 15 million views ang record nito sa YouTube.
Facebook Comments