Human development, tinututukan din ng RMN Networks, RMN Foundation, Inc. at Dualtech Training Center Foundation, Inc.

Tiniyak ng RMN Networks at RMN Foundation, Inc. at Dualtech Training Center Foundation, Inc., na hindi lamang basic at on-site traning ang kanilang tinuturo sa kanilang mga scholar.

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni Dualtech Training Center Foundation, Inc., Director for Formation and Industrial Mentoring Francis Carlos na ang bawat scholar ay tinuturuan din nila ng human development.

Dito aniya ay hinahasa ang mga mag-aaral na maging kampante at maging professional para maging mahusay na manggagawa.


Sinabi naman ni RMN Foundation Inc., Corporate Social Responsibility (CSR) officer Patrick Aurelio na maliban sa makatulong, nais din ng RMN Foundation na mapalawak pa ang programa na makapagbigay ng pag-asa sa mga deserving at hindi makapag-aral na kabataan para maabot ang kanilang mga pangarap.

Nito lamang Marso nang ilunsad ng RMN Networks at RMN Foundation, Inc. ang Henry R. Canoy Scholarship Program sa pamamagitan ng Radyo Edukasyon Program.

Bahagi rin ito ng paghahanda sa ika-70 anibersaryo ng RMN Networks sa Agosto 28 at ika-10 taon ng pagbibigay serbisyo publiko ng RMN Foundation, Inc.

Sa mga nais maging scholar at makapag-enrol, magparehistro lamang sa dualtech.org.ph at sa mga nais namang tumulong, mag-message lamang sa RMN Foundation Facebook Page.

Facebook Comments