Cauayan City, Isabela – Mariing itinanggi ng PNP Sto. Niño, Cagayan na may nangyayaring paglabag sa karapatan pantao sa naturang bayan taliwas sa sinasabi “Danggayan dagiti Mannalon” isang grupo ng magsasaka sa lalawigan ng Cagayan.
Sa panayam ng 98.5 iFm Cauayan kay Police Maj. Ranulfo Gabatin, COP ng Sto. Niño, relatibong tahimik ang buong bayan na hanggang ngayon ay nasa ilalim parin ng General Community Quarantine. Ayon sa hepe, walang nakakarating sa kanilang kaalaman na anumang kaso ng human right violation, at kung mayroon man ay agad nila itong aaksiyunan.
Sa ngayon, sa 31 barangay, mayroon parin 18 barangay sa Sto. Niño na maituturing na impluwensiyado ng Partido Kumunista ng Pilipinas, apat dito ang maituturing na high risk at anim ang low risk bagamat nasa ilalim parin ng impluwensiya ng kumunistang pangkat.
Sa kabila nito, siniguro ni Maj. Gabatin ang katahimikan sa kanyang nasasakupan. Kasabay nito ng panawagan sa lahat ng mamayan ng Sto. Niño na makiisa sa kanilang hakbangin para mapanatili ang kapayapaan sa masabing lugar. Tiniyak pa nito na hindi titigil ang kanilang hanay para ma protektahan ang bawat mamayan ng Sto. Niño.