Human Rights Consciousness Week, Ipinagdiwang ng PRO2!

16

Cauayan City, Isabela- Nakiisa ang pamunuan ng Police Regional Office (PRO) 2 sa pagdiriwang ng National Human Rights Consciousness Week kasabay ng lingguhang Flag Raising at awarding Ceremony ng PRO 2 kaninang umaga.

Ang aktibidad ay may temang ‘Youth Standing Up for Human Rights’ kung saan ay naging panauhing pandangal si Atty. Jimmy Baliga, ang Regional Director ng Commission on Human Rights Region 2.


Sa naging talumpati nito, ay kanyang pinaalalahanan ang lahat ng kapulisan na gawin pa rin ang tama at nararapat sa mga isinasagawang operasyon.

Kasabay ng nasabing aktibidad ay pinarangalan ng Medalya ng Papuri sina PMaj Rhodelaisol Labang, PMaj Pio Rañeses III, at si PCapt Fe Corazon Opillas habang ginawaran naman ng Medalya ng Kagalingan sina PMSg Alvin Tabunan at PSSG Dexter Agualda.

Facebook Comments