Manila, Philippines – Ibat-ibang progresibong grupo nagtipon-tipon sa Welcome Rotonda para tutulak sa Mendiola Manila upang tutulan ang paglabag sa karapatan ng mga bata.
Maagang nagsimulang magtipon-tipon ngayon dito sa Welcome Rotonda sa Quezon City ang iba’t-ibang progresibong grupo na makikilahok sa malaking pagkilos ngayong araw sa lungsod ng Maynila.
Ilan sa grupong ito ng mga militante na narito ang I-Defend, Amnesty International, Partido Manggagawa, Children’s Solidarity Action at iba pang organisasyon upang tutulan ang mga paglabag sa karapatan ng mga bata sa ilalim ng Duterte administration.
Mula Welcome Rotonda, sila ay magtutungo sa Mendiola, Maynila upang makilahok sa mga kapwa raliyista na naroon na sa mga oras na ito at nagsasagawa ng kanilang programa.
Batay sa monitoring ng mga otoridad, nasa dalawandaan ang crowd estimate sa Welcome Rotonda.
Asahan naman ng mga motorista ang bahagyang pagbagal sa trapiko partikular sa mga dumadaan sa Quezon Avenue, E. Rodriguez Avenue at Espana Boulevard.
Layon ng kanilang protesta ay upang maghayag ng kalagayan ng mga batang Lumad kauganay sa ipinagdiriwang Human Rights Day kung saan mahigit 200 bata upang makiisa sa childrens solidarity action upang wakasan na ang mga paglabag sa karapatan ng mga bata.