Ikinasa na ng House Committee on Human Rights ang pagdinig sa Human Rights Defenders Bill na inihain nina Representive Edcel Lagman, Rep. Raoul Manuel, Rep France Castro, Rep. Arlene Brosas at Rep. Ron Salo.
Present sa hearing ang iba’t ibang law enforcement agencies tulad ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kabilang sa tinalakay ang umano’y mga insidente ng extra judicial killings sa mga isinagawang anti-illegal drug operations ng pulisya lalo na sa nagdaang administrasyon at nabanggit din ang isyu ng red tagging.
Ayon kay Manila 6th district representative Benny Abante, kasama sa layunin ng panukala na maiwasan ng mga otoridad lalo na ang PNP pag-abuso sa kanilang kapangyarihan.
Tiniyak naman ng PNP na papairalin nila ang rule of law at irerespeto ang karapatang pantao.