HUMAN RIGHTS DEFENDERS | Listahan ng mga blacklisted na dayuhan, pinasasapubliko

Manila, Philippines – Hiniling ni Gabriela Representative Arlene Brosas sa Bureau of Immigration (BI) na ilabas ang listahan ng mga blacklisted na dayuhan.

Partikular na ipinasasapubliko ang listahan ng mga dayuhan na nagtataguyod sa karapatang pantao.

Ang suhestyon na ito ay kasunod ng ginawang pag-aresto kay Sister Patricia Fox at pag-deport sa Secretary General ng Party of European Socialists na si Giacomo Filibeck.


Giit ni Brosas, tiyak na may watchlist ang immigration sa mga target nitong human rights defenders para hindi papapasukin sa bansa.

Sinabi naman ni ACT Teachers Representative Antonio Tinio na ang ginawa ng gobyerno kina Filibeck at Sister Pat ay halimbawa lamang ng mga sasapitin ng mga dayuhang lumalaban para sa karapatang pantao sa bansa.

Facebook Comments