Human Rights Defenders’ Protection Bill, tinutulan ng NTF-ELCAC

Mariing tinututulan ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagpasa ng House Bill 77 o “Human Rights Defenders Protection Bill”.

Sa isang pahayag, sinabi ng NTF-ELCAC na mapanganib na banta ito sa demokrasya ng bansa dahil itinuturing na human rights defenders ang mga kriminal, rebelde, terorista at kalaban ng estado.

Ayon sa NTF-ELCAC na dahil sa panukala, mawawalan ng ngipin ang mga batas kontra sa terorismo tulad ng Anti-Terrorism Act, Anti-Money Laundering Law at Terrorism Financing Prevention and Suppression Act.


Isinusulong din nito ang mga hakbang ng paglikha ng Human Rights Defenders Protection Committee na binubuo ng mga miyembrong kabilang sa mga grupong kaalyado ng teroristang komunista.

Kasunod nito, nananawagan ang NTF-ELCAC sa publiko na himukin ang mga mambabatas na ibasura ang nasabing panukalang batas.

Facebook Comments