Human rights group, iginiit na dapat lang kanselahin ang COC ni BBM sa pagkapangulo

Nanindigan ang isang human rights leader na nararapat lamang na kanselahin ang Certificate of Candidacy ni dating senador Bongbong Marcos dahil sa pagsisinungaling nito nang sabihing wala siyang kinakaharap na conviction na nagsasaad ng perpetual disqualification sa public office.

Sa interview ng RMN Manila sinabi ni Fides Lim, spokesperson ng grupong Kapatid na ito ang basehan kung bakit hindi na dapat payagang tumakbo si Marcos sa pinakamataas na posisyon.

Iginiit ni lim na mismong si dating Pangulong Ferdinand Marcos pa nga ang nagpatibay ng National Internal Revenue Code na nilabag ng kaniyang anak.


Noong nakaraang linggo, iba’t ibang civic groups ang naghain ng petisyon para kanselahin ang COC ni Marcos dahil sa pagkabigo nitong isumite ang kaniyang Income Tax Returns mula 1982 hanggang 1985.

Facebook Comments