Human rights group na amnesty international, binara ang alok ni Pangulong Duterte na maghost ang Pilipinas sa World Summit on Human Rights

Manila, Philippines – Sinupalpal ng human rights group na amnesty international ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maghost ang Pilipinas sa world summit on human rights para talakayin ng mga bansa ang proteksyon sa karapatang pantao.

Sabi ni Amnesty International Philippines Director Butch Olano, walang karapatan ang Pilipinas na maghost ng isang summit na tatalakay sa karapatang pantao dahil sa sitwasyon ngayon maraming naitatalang human rights violation sa bansa.

Paglalarawan pa ni Olano, hindi ka pwedeng mag-imbita ng mga bisita sa iyong bahay kung marumi naman ito.


Batay kasi sa datos na hawak ng amnesty international, aabot sa 12,000 suspected drug offenders ang napatay ng mga pulis mula nang simulan ni Pangulong Duterte ang kanyang kampanya laban sa iligal na droga.

Matatandaang nag-alok si Pangulong Duterte na mag-host para sa world summit sa kabila ng mga kinakaharap na batikos dahil sa war against drugs ng pamahalaan.

Facebook Comments