Muling tatakbo sa pagkasenador sa 2022 election ang human rights lawyer na si Jose Manuel Diokno.
Pag-amin ni Diokno sa kaniyang twitter account, ang hindi pantay-pantay na implementasyon ng batas, COVID-19 response, at pamamahala sa ekonomiya ng bansa ang nag-udyok sa kanyang pagtakbo muli.
Maituturing namang aral para kay Diokno ang pagkatalo noong 2019 para muling tumulong sa bansa.
Unang tumakbo bilang senador si Diokno noong 2019 sa ilalim ng Partido Otso Diretso.
Kilala si Diokno na founding dean ng De La Salle College of Law at chairman ng Free Legal Assistance Group (FLAG).
Facebook Comments