HUMAN RIGHTS | Libreng legal assistance, ipagkakaloob ng IBP at CHR

Manila, Philippines – Lumagda ng kasunduan ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) at Commission on Human Rights (CHR) na layuning pagtibayin ang rule of law at paggalang sa human rights.

Ayon kay IBP National President Atty. Abdiel Dan Elijah Fajardo, bilang isang organisasyon ng mga abugado tinitiyak nilang hindi mapagkakaitan ng hustisya ang mga mahihirap.

Sinabi pa nito na layunin ng kanilang partnership sa CHR na makapagbigay ng libre, effective at competent legal representative sa bawat biktima ng paglabag ng karapatang pantao.


Paalala pa ni Fajardo sa mga kapwa nito abogado na sa pagtupad sa kanilang tungkulin, dapat palaging isaalang-alang ang nakapaloob sa kanilang body of ethics at code of professional responsibility.

Aniya, nagpatawag sila ng Human Rights Summit para matalakay ang mga pangangailangan ng mga biktima ng war on drugs na magkaroon ng mga abogado na mangangalaga at ipaglalaban ang kanilang mga karapatan.

Ang two-day summit, na may temang Pagtugon sa Hamon: A Call to the Rule of Law, Access to Justice and Human Rights ay ginaganap SM Aura, Taguig City.

Facebook Comments