HUMAN RIGHTS | Palasyo, hinamon ang mga tutol sa martial law extension sa Mindanao

Manila, Philippines – Hinamon ng Malacañang ang mga tutol sa planong martial law extension sa Mindanao na maghain ng kaso sa korte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – dapat makapagpalabas ang mga ito ng mga ebidensya na magpapatunay na may human rights abuses na ginawa ang mga tropa ng pamahalaan.

Paniniguro ni Panelo – hindi kukunsintehin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang abuso sa peace and order campaign ng gobyerno.


Ang martial law ay layuning bigyan ng seguridad ang mga mamamayan sa rehiyon.

Pero aminado si Panelo na kahit umiiral ang batas militar sa Mindanao ay mayroon pa ring rebelyon.

Nanindigan din ang Palasyo na ang batas ang ipinatutupad ng maayos at hindi inaabuso.

Una nang sinabi ng Palasyo na nasa kamay na ng Kongreso kung sasang-ayon ito na pahabain pa ng isang taon ang batas militar.

Facebook Comments