Idineklara ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang gumagawa ng “tunay na progreso” ang Duterte administration sa usapin ng karapatang pantao.
Partikular na tinutukoy ni Locsin ay ang kampanya laban sa iligal na droga, at pagpapalawak ng kooperasyon at alyansa sa international institutions.
“We are making real progress in human rights; while protecting our society from the worst of scourges: drug trafficking that takes over states as in Central America; and drug addiction that destroys its willing victims,” sabi ng kalihim.
Binanggit ni Locsin ang pakikipag-partner ng Pilipinas sa United Nations Joint Programme (UNJP) na layong i-promote ang human rights-based approach sa paglaban sa terorismo at ilegal na droga sa bansa.
“With the now finalized UN Joint Program, we strengthen national institutions to promote and protect human rights by technical assistance and capacity-building; even as we battle the worst of human rights abuses: drug trafficking and drug addiction,” ani Locsin.
Ang human rights program ng Pilipinas ay nag-ugat sa direktiba ni Pangulong Duterte para sa constructive at open engagement sa UN.