Naaresto ng NBI ang babaeng nasa likod ng pagpapadala ng mga Pilipina sa Malaysia bilang guest relation officers sa nightclubs doon.
Kinilala ang suspek na si Judith Tiru Maquiling alyas Boss Ping at Teng.
Si Maquiling ay naaresto sa entrapment operation matapos na ituro ng mga biktima nito.
500 Malaysian Ringgit kada oras ang alok sa mga biktima ng nasabing human trafficker kung saan pinagsusumite muna sila ng whole body at close up na mga larawan sa pamamagitan ng Whatsapp account.
Si Maquiling ay nakatakdang iharap sa Inquest Prosecutor sa Pasay City para sa mga kasong paglabag sa Migrant Workers and Overseas Filipinos Act at Anti-Trafficking in Persons Act.
Facebook Comments