Natiklo ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang pekeng seaman na nagtangkang lumabas ng bansa.
Ayon sa BI, pasakay na sana sa Cathay Pacific flight patungong Hong Kong at Dubai, United Arab Emirates ang dalawang biktima ng human traffickers.
Naging kaduda-duda ang dalawang hindi pinangalanang mga pasahero dahil sa iprinesentang pekeng mga dokumento gaya ng Overseas Employment Certificates (oecs), seaman’s books at letters of guarantee mula sa kanilang shipping agent.
Umamin din ang dalawa na nagbayad lamang sila ng P5,000 para sa mga pekeng dokumento.
Nasa kostodiya na ngayon ng Interagency Council Against Trafficking o IACAT ang dalawa para maisailalim sa imbestigasyon.
Facebook Comments