HUMAN TRAFFICKING | Dalawampung Pinoy na patungo sana ng Africa, naharang ng BI

Manila, Philippines – 20 Pinoy na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking ang hinarang sa NAIA ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI).

Ito ay matapos silang magtangkang lumipad patungong Africa gamit ang mga pekeng travel documents.

Ayon kay BI OIC Associate Commisioner at Port Operations Division Chief Marc Red Mariñas, pinigilan ang mga lalaking pasahero sa NAIA Terminal 3 na pasakay sana ng Emirates Airways flight patungong Dubai.


Sinabi ni Mariñas na nagpanggap ang mga ito na ipadadala sila ng isang Malaysia-based company sa Sao Tome and Principe, isang maliit na isla sa western coast ng Central Africa.

Nagduda ang mga immigration officers sa ipinakitang dokumento ng mga ito at hindi rin nakapagbigay ng detalye sa pakay nila sa Africa.

Nadiskubre na patungo ang mga ito sa Sao Tome para magtrabaho pero walang kaukulang work permit.

Facebook Comments