HUMAN TRAFFICKING | IACAT at international organization, magtutulungan

22

Manila, Philippines – Lumagda sa Memorandum of Agreement ang inter-agency council against [human] trafficking (IACAT) at ang international organization na Plan International kaugnay ng kampanya laban sa human trafficking.

Partikular na nilagdaan ng dalawang panig ang pagtutulungan ng IACAT at Plan International sa usapin ng:

1. labor exploitation sa karagatan
2. online sexual abuse at exploitation sa mga bata
3. Lahat ng uri ng gender-based na karahasan at trafficking.

Sa panig ng Plan International , ang Director nitong si Dennis Guy O’brien ang lumagda at sa panig ng IACAT ay si Justice sec. Menardo Guevarra.

Una rito, sunud-sunod ang naging pagsagip ng IACAT sa mga menor na babae na nirecruit mula sa ibat ibang mga lalawigan para ipasok sa mga nightclub sa loob at labas ng bansa.

Facebook Comments