Manila, Philippines – Kabilang rin ang Pilipinas sa sampung nangungunang bansa sa buong mundo na lantad sa pang-aabuso sa mga kababaihan sa pamamagitan ng human trafficking.
Ito ay batay sa survey ng Thomson Reuters Foundation mula sa limang daan at limampung mga eksperto sa mga usapin hinggil sa mga kababaihan tulad ng sapilitang pagpapakasal, pagtatrabaho at prostitusyon.
Batay sa survey, nanguna sa listahan ang bansang India kung saan itinuturing pa rin umano bilang sexual object at second class citizen ang mga kababaihan.
Sinusundan naman ito ng Libya kung saan napaulat na talamak ang pagbebenta ng mga migrants sa slave market, pumapangatlo ang Myanmar habang kapwa pang-apat ang Nigeria at Russia at panglima ang Pilipinas.
Facebook Comments