HUMAN TRAFFICKING | Rep. France Ocampo at Satur Ocampo, na-inquest na

921

Manila, Philippines – Na-inquest na sina ACT Partylist Representative France Castro at dating Congressman Satur Ocampo.

Ito ay makaraang arestuhin ng mga otoridad dahil sa reklamong human trafficking at paglabag sa special protection of children against abuse, exploitation and discrimination.

Una rito, naharang ng mga otoridad sina Castro at Ocampo sa check point sa Davao del Norte matapos mamataan na may kasamang labing apat na menor de edad, ilang guro at Lumad kung saan hinuli sila dahil walang maipakitang dokumento tulad ng parental consent.

Pero paliwanag ni Ocampo, nagpasaklolo ang kanyang mga kasama dahil sa umano ay harassment mula sa military operation sa kanilang lugar.
Pero sa bersyon ng otoridad, nakatanggap sila ng ulat mula sa isang magulang na limang linggo nang hindi umuuwi ang kanyang anak.

Facebook Comments