Human trafficking sa NAIA, tututukan ng bagong recruit na immigration officers

Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na tutukan ng kanilang 99 na bagong immigration officers ang mga sindikatong nagtatangkang magpalusot sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng kanilang narecruit na mga biktima ng human trafficking.

Bukod dito, tututok din ang bagong immigration officers sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero kasabay ng posibleng pagbubukas ng borders ng Pilipinas.

Sa harap ito ng paglaki ng bilang ng mga Pilipinong nabakunahan na sa iba’t ibang bansa.


Kabilang din sa pinaghahandaan ng BI ang pagbubukas ng operasyon ng international airlines.

Facebook Comments