Sinimulan na ng US Biotech firm na Moderna ang unang human trial sa mRNA vaccine na target ang multiple strains ng influenza.
Layon ng kompanya na mapasali ang 180 adults mula sa Estados Unidos para sa Phase 1/2 portion upang malaman ang kaligtasan at kapabilidad ng gamot na tinatawag na mRNA-1010.
Nakabase rin ito sa kaparehong messenger ribonucleic (mRNA) technology na nai-deploy sa COVID-19 ng Moderna na lumabas na 90 porsyentong epektibo.
Oras na maging matagumpay ang trial, magsisilbi itong bagong henerasyon para sa mas marami pang bakuna kontra flu.
Facebook Comments