Human trials ng COVID-19 vaccine, isasagawa na sa Israel

126

Magsasagawa na ng human trials ng COVID-19 vaccine sa Israel sa darating na Oktubre.


Ayon kay Defense minister Benny Gantz, anim na buwan ang ginugol ng Israel Institute of Biological Research (IIBR) para makagawa ng bakuna.

Aniya, hinihintay na lamang nila matapos ang Jewish holiday sa Oktubre para simulan ang human trials.

Kumbinsido naman ang IIBR na magtatagumpay ang initial experiment ng COVID-19 vaccine.

Facebook Comments