Manila, Philippines – Nilinaw ng palasyo ng Malacañang na hindi kasama sa mga hindi tatanggapin ng Pilipinas na tulong mula sa European union ang mga humanitarian Aides nito sa bansa.
Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap narin ng desisyon ng Pilipinas na huwag nang tumanggap ng financial aides mula sa EU dahil umano ksa panghihimasok nito sa internal affairs ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang mga tatanggihan lamang na tulong pinansiyal ng bansa ay ang mga mayroong panuntunan na posibleng makaapekto o manghihimasok sa mga usaping pangloob ng bansa.
Pero hindi din naman sinabi ni Abella ang mga espesipikong financial grant o projects ng EU na may probisyon na makaaapekto sa internal issues.
DZXL558, Deo de Guzman
Humanitarian Aid mula sa EU, tatanggapin parin ng Pilipinas ayon sa Palasyo
Facebook Comments