Humanitarian Caravan ng PRC, umaarangkada na sa mga lugar na binaha sa Mindanao

Kinumpirma ngayon ng Philippine Red Cross o PRC na dumating na sa Cotabato City ang water tanker at food truck na bahagi ng Humanitarian Caravan na pinadala ng ahensiya sa Mindanao.

Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, layon nito para asistihan ang mga kalapit lalawigan na naapektuhan ng malalakas na pag-ulan at biglaang pagbaha.

Paliwanag pa ni Gordon na nagmula sa North Cotabato -Kidapawan PRC Chapter ang water tanker na may kapasidad na 10,000 liters habang nanggaling naman sa Red Cross General Santos Chapter ang food truck.


Giit pa ni Gordon na mabigyan ng mahahalagang serbisyo ng mga apektadong pamilya lalo na ang tubig at pagkain sa panahon ng kalamidad.

Batay sa ulat, maraming lugar sa Mindanao at maging sa Visayas ang naapektuhan ng grabeng pag-ulan at pagbaha dulot ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ at umiiral na habagat.

Facebook Comments