Humanitarian ship ng Philippine Red Cross, binuksan sa publiko

Manila, Philippines -Binuksan sa publiko ang moderno athigh tech na  humanitarian ship ngPhilippine Red Cross na tatawaging   M/VAmazing Grace.
  May sukat  na 195foot na orihinal na nilikha   ng EstadosUnidos noong 2010, napasakamay ito ng PRC  sa pakikipagtulungan  ng Red Crescents Societies at  mga katapat o counterpart nito sa Japan, Estados Unidos, Britain at Germany.
  May  kapasidad itona magkarga ng may bigat ng hanggang 35 tons o katumbas  ng 120 na pasahero at ibang uri ng behikulo.
  Sa pamamagitan ng MV amazing grace, mapapabilis na angrescue and relief efforts ng PRC sa panahon ng pagdatal ng kalamidad tulad ngmga bagyo sa Pilipinas at sa pagresponde sa Asia Pacific Region kung kinakailangan.
  Ang MV Amazing grace ay magsisilbing hospital ship,Medical facility deployment ship, sea rescue vessel at humanitarian logisticsship.

   

Facebook Comments