HUMANITARIAN SUPPLY CHAIN MANAGEMENT TRAINING, IKINASA

Cauayan City – Matagumpay na naisagawa ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 ang pagsasanay kaugnay sa Humanitarian Supply Chain Management.

 

Naganap ang pagsasanay sa Japi Hotel, Cauayan City, Isabela kung saan layunin nitong mas mapalawak at mapatibay pa ang kaalaman ng LGU’s at DSWD Quick Response Team sa pangangasiwa ng supply chains sa panahon ng humanitarian crises.

 

Sentro ng pagsasanay ang talakayan patungkol sa logistic planning, inventory management, distribution strategies, at kung paano ang wastong koordinasyon sa mga stakeholders.


 

29 na miyembro ng Disaster Response Management Division (DRMD) ang nakilahok sa pagsasanay upang mas mapabuti pa ang kanilang kakayahan pagdating sa pagrespunde sa panahon ng kalamidad.

Facebook Comments