HUMARAP | 9 sa 11 pulis na bashers ni PNP Chief Albayalde, nag-report na sa Camp Crame

Manila, Philippines – Humarap na sa Kampo Krame ang mga pulis na bashers ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa facebook page na Buhay Lespu.

Dito, pinangaralan sila ni Albayalde at sinabing mayroong lugar sa kaniyang tanggapan ang pagrereklamo o pagpapahayag ng concerns ng mga pulis at hindi ito dapat ginagawa sa Facebook o sa kahit ano mang social media platforms.

Una nang iginiit ni Albaylde na ang isang uniform personnel ay mayroong sinusunod na patakaran dahil kung freedom of expression lang ang papairalin ay mas mainam na umalis na ang mga ito sa serbisyo.


Hahainan ng kasong conduct at becoming ang mga puslis, habang karagdagang kaso na disobedience ang kahaharapin ng dalawang police na hindi sumipot ngayong araw.

Matatandaang, minumura si PNP Chief sa Buhay Lespu Facebook page dahil umano sa mga napapahiyang pulis sa mga ginawa nitong inspection sa mga police station noong sya ay NCRPO director pa.

Facebook Comments