Humarap sa pag-dinig ng DOJ kaugnay sa kontrobersyal na 2013 Pampanga drug raid si Albayalde

Si Albayalde ay isinama ng PNP CIDG sa mga kinasuhan nito ng mga reklamong paglabag sa comprehehensive dangerous drugs act, anti graft law, qualified bribery, falsification of public documents, perjury at dereliction of duty.

Si Albayalde ang provincial director ng Pampanga nang mangyari ang maanomalyang drug raid.

Sa pagdinig, isinumite at pinanumpaan ni albayalde ang kanyang kontra-salaysay.


Dumalo rin sa unang pagkakataon si Police Major Rodney Baloyo IV na bantay sarado ng mga pulis na nakatalaga sa bilibid.

Pinanumpaan din ni baloyo ang kanyang counter affidavit sa DOJ Panel ngayong araw.

Si Baloyo ay naka-detain sa bilibid matapos ipacontempt ng Senado matapos na hindi makuntento sa kanyang mga sagot sa senate hearing.

Si Baloyo ang lider ng drug raid kung saan inakusahan sila ng pagrecycle ng mga nakumpiskang droga.

Nahaharap sa mga parehong reklamo si baloyo at 12 tauhan nito na kasama sa drug operations sa Mexico, Pampanga.

Present din sa hearing ang iba pang pulis na respondents maliban kay SPO1 Ronald Santos, kung saan nagsumite rin sila ng kanilang counter affidavit.

Itinakda naman ang susunod na pagdinig sa November 11.

Facebook Comments