Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakapagtala ng kabuuang bilang na 9,856,984 kahon ng family food packs ang na-produce ng dalawang major hub ng ahensya sa Metro Manila at Cebu mula Enero hanggang Disyembre 2024.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, ang nasabing bilang ng FFPs boxes ang pinakamataas na-produce ng DSWD sa loob lamang ng 12 buwan.
Paliwanag pa ni Dumlao, ang pinaigting na stockpiling at prepositioning ng FFPs nationwide, gayundin ng pinalakas na implementasyon ng Buong Bansa Handa (BBH) project ang naging daan para sa mabilis at tuloy-tuloy na produksyon ng FFPs.
Dagdag pa ni Asst. Secretary Dumlao, ang kanilang production ngayong taon ay 42% mas mataas sa 4,187,337 food packs na kanilang na-produce noong 2023.
Giit pa ng opisyal na ang BBH ay inilunsad base sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na naglalayong magkaroon ng fail-safe supply chain para sa disaster preparedness and response kung saan ng BBH ay mayroong dalawang parallel supply chain mechanisms.