Humigit kumulang 1,000 pamilya, nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa QC

Abot sa 900 hanggang 1,000 pamilya ang nawalan ng matitirhan matapos sumiklab ang sunog sa Barangay Balingasa at Apolonio Samson, Quezon City.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection, humigit kumulang 500 kabahayan ang tinupok ng apoy na nagsimula pasado alas-10:00 ng umaga.

Nagsimula ang sunog sa bahagi ng Don Manuel Kaingin sa Barangay Balingasa at kumalat ito sa mga kabahayan sa katabing barangay na Apolonio Samson.


Sa ngayon, nanatili pa rin sa tabing kalsada ang mga pamilyang nasunugan habang inaayos pa ng mga kinauukulan ang lugar na pansamantala nilang tutuluyan.

Facebook Comments