Nasa halos 100,000 pamilya ang apektado pa rin ang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa 376,327 na indibidwal o 98,187 na katao ang apektado mula sa pagsabog ng bulkan noong January 12.
Nasa 135,365 na indibidwal o 37,203 na pamilya ang nananatili sa 497 evacuation centers.
Aabot na sa ₱3,215,788,882 ang pinsala sa sektor ng agrikultura sa Batangas, Cavite at Laguna.
Nasa higit 58 million pesos ang halaga ng tulong ang naipamahagi.
Facebook Comments