Humigit-kumulang 40,000 pulis, ipapakalat ng PNP ngayong Pasko

Simula sa Disyembre 15, itataas na ng Philippine National Police (PNP) sa full alert status bilang paghahanda sa papalapit na Pasko.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, humigit kumulang 40,000 pulis ang kanilang ipakakalat sa buong bansa.

Bukod pa ito sa mga contingent mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga lokal na pamahalaan na magsisilbi bilang force multipliers.


Sa ngayon, nakataas ang heightened alert status sa National Capital Region (NCR) bilang pag-iingat na rin matapos ang insidente nang pagpapasabog sa Mindanao State University sa Marawi City noong Linggo at bilang bahagi ng security measures ngayong holiday season.

Facebook Comments