Humigit kumulang 5-M doses ng iba’t ibang brand ng COVID-19, darating sa bansa

Umaabot sa halos 5 million doses ng iba’t ibang brand ng COVID-19 vaccines ang darating sa bansa ngayong araw.

Karamihan sa nasabing mga bakuna ay binili ng national government habang ang 5,000 doses ng Sputnik V Light ay donasyon mula sa bansang Russia.

Unang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bago mag-alas-10 ng umaga ang 1,306,000 doses ng Moderna vaccine na binili ng gobyerno ng Pilipinas.


Inaasahan mamayang alas-2 ngayong hapon ay dadating ang 2,805,000 na doses ng Sputnik V na binili rin ng gobyerno at pasado alas-9 mamayang gabi naman darating ang 609,570 doses ng Pfizer na binili rin ng Pilipinas.

Ang naturang mga bakuna ay dadalhin sa storage facility sa Marikina City.

Facebook Comments