HUMIGIT-KUMULANG 6K NA BOTANTE, TINANGGAL NA NG COMELEC PANGASINAN SA LISTAHAN

Inalis na ng Commission on Elections Pangasinan Provincial Office ang humigit-kumulang 6,000 botante sa probinsiya para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).
Nalaman ng komisyon ang nasabing bilang matapos magpulong at aprubahan ng electoral board ang pinal na listahan ng mga rehistradong botante sa lalawigan.
Nakapaskil na rin aniya ang mga listahan ng mga rehistradong botante sa bulletin board sa mga barangay.

Sinabi ni provincial election supervisor Marino Salas na ang mga na-deactivate na botante ay maaaring patay na, lumipat, o dalawang beses na nabigong bumoto sa halalan.
Sa datos, umabot sa mahigit 2.1 milyon ang rehistradong botante sa probinsya kung saan nasa 778,000 ang boboto sa SK elections kung saan ang Dagupan City, San Carlos City, at bayan ng Malasiqui ang may pinakamataas na bilang ng registrants.
Ayon pa sa opisyal na halos 100% nang handa ang komisyon para sa nalalapit na BSKE sa buwan ng October 30, 2023. |ifmnews
Facebook Comments