HUMIGIT KUMULANG APAT NA RAANG BATA SA DAGUPAN CITY, NABAKUNAHAN NA NG BAKUNA LABAN SA TIGDAS, RUBELLA AT POLIO

Nasa humigit kumulang apat na raang bata edad apat pababa sa lungsod ng Dagupan ang nabakunahan na ng bakuna laban sa tigdas, rubella at polio.
Umaarangkada ang Chikiting Ligtas 2023: Nationwide Supplemental Immunization Campaign ng Kagawaran ng Kalusugan sa mga bara-barangay ng nasabing lungsod.
Dinaluhan ang nasabing pagpapabakuna ni DOH Usec. Eric Tayag l kasama ang lokal na pamahalaan ng Dagupan, hinikayat ang lahat ng mga magulang na may mga anak na ipabakuna ang mga ito upang maiwasan ang mga sakit na tigdas, rubella at polio.

Samantala, tiniyak ng alkalde na lahat ng mga bata sa lungsod na nangangailangan ng naturang bakuna ay maaabot at pupuntahan ng mga katuwang na opisyales. |ifmnews
Facebook Comments