
Ipinagmalaki ng bagong upong alkalde ng Maynila na si Isko Moreno na may progreso na sa krisis sa basura.
Ito ang kaniyang naging pahayag sa media matapos ang pag-iikot at inspeksyunin ang ilang mga kalsada sa Maynila kagabi, Hunyo 30.
Ayon sa alkalde, humigit kumulang kalahati ng problema sa basura ay naresolba na sa loob ng ilang oras ng kaniyang pag-upo sa posisyon.
Dagdag pa ng alkalde na kung sakali na makakuha ng susunod na magiging hauling service ang lungsod ay araw-araw na ang pagkolekta ng basura.
Sa ngayon ay patuloy ang paghakot ng mga gabundok na basura sa iba’t ibang lugar sa Maynila.
Samantala, nag-ikot din ang alkalde sa ilang checkpoints sa lungsod alinsunod sa derektiba ni Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III patungkol sa police visibilty.
Matatandaang isinailalim ni Mayor Isko ang Maynila sa State of Health Emergency dahil sa lumalalang problema sa basura.









